Isang sikreto sa pagkakaroon ng maayos na kalagayang pinansyal ay ang pagkakaroon ng pangalawang mapagkakakitaan.
Karamihan ng mga taong matagumpay ang buhay ay natutunan kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang gamit ang kanilang oras pagkatapos ng kanilang trabaho sa labas. Kung mayroon kang balak bilhin, gusto mo ng isang magarbong bakasyon, plano mong mag-ipon ng pera, o kailangan mong magbayad ng utang, narito ang ilang mga pwede mong pagkakitaan.
Karamihan sa mga trabahong ito ay may maayos na kita, maaari mong gawin ayon sa oras na gusto mo, at may pagkakataon pang manatili sa iyong pangalawang trabaho ng mahabang panahon.
Tagapagsaling Medikal
Sa kasalukuyan, ang trabahong ito ay nagbibigay ng hanggang P800 kada oras. Kung mahilig ka sa mga terminong may kinalaman sa kalusugan o pangmedikal, ito ang bagay na trabaho sa iyo.
Kung malinaw ang iyong pandinig, mabilis kang sumunod sa mga panuto, at mag-type ng mga salita, ang pagiging tagapagsaling medikal ang maaaring paraan kung paano kumita ng pera sa madaling paraan. Kailangan mo lang pakinggan ang mga naka-rekord na mula sa mga doktor at iba pang mga pang-kalusugang propesyunal at i-type ito bilang isang medikal na mga ulat.
Dahil sa kahalagahan ng pagiging wasto sa iyong pagsasalin, may mga espesyal na pagsasanay na binibigay para sa mga gustong kumita ng karagdagang salapi sa pamamagitan ng pagiging tagapagsaling medical.
Serbisyong Pang-kustomer
Isa pang pangalawang pwede mong pagkakitaan at kung paano kumita ng pera sa Internet ay ang pagbibigay serbisyong pang-kustomer.
Sa trabahong ito, pwede kang kumita hanggang P750 kada oras. Bagay ang trabahong ito para sa mga mahihilig makipag-usap sa mga tao o magaling magbigay solusyon sa mga problemang maaaring kaharapin ng mga kustomer. Maaaring nakakatakot isiping kailangan mo minsang maranasang makipag-usap sa galit na kustomer, ngunit mas maraming pagkakataon ang makakatulong ka sa kanila.
Ang pagbibigay serbisyo sa mga kustomer ng iba’t ibang kumpanya ay isang trabaho na nakikitang parami ng parami ang oportunidad. Ibig sabihin, mas mahaba ang pagkakataon na ito ang paraan kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay ka lang.
Pagsasanay at Pagtuturo
Karamihan sa mga nais magkaroon ng karagdagang tulong sa kanilang pag-aaral o mga nais magkaroon ng dagdag na kaalaman ay naghahanap ng kanilang mga tagapagturo o tagapagsanay sa parehong oras na nasa bahay kana o tuwing Sabado o Linggo.
Ito ang isang maaari mong pagkuhanan ng dagdag kita. Maaari kang maging tutor o tagapagturo ng pagsasalit ng Ingles o ng ibang asignatura tulad ng matematika o agham. Kailang mo lang ng maayos na internet, headset, at tahimik na kapaligiran. Maaari kang kumita hanggang P500 kada oras sa trabahong ito. Maaari kang ring gumawa ng sarili mong mga instruksyonal na mga materyales at maaari mong ibenta online. Depende ang kikitain mo dito sa uri ng kakayanan na ituturo mo at kung gaano kahaba ang materyales.
Ang ilang mga propesyunal naman ay handang magbigay ng pagsasanay lalo na pagdating sa pag-uumpisa o pagpapanatili ng mga negosyo ng kanilang mga kliyente. Ang mga pinakamahuhusay sa larangang ito ay kumikita hanggang P5000 kada oras. Kailangan mong magpakita ng patunay o sertipikasyon bilang propesyunal na tagapagturo o tagasanay bago ka maaaring magbigay serbisyo sa iba. May mga plataporma sa Internet kung saan maaari mong gawin “online” na silid-aralan tulad ng Skillshare. Dito, ang mga estudyante ay magpapalista sa iyong mga klase. Karamihan sa mga guro rito ay nagtuturo gamit ang mga bidyu ng kanilang gawa.
Pagkakitaan ang Iyong Libangan
Hindi mo kailangang ma-istres sa iyong pangalawang pagkakakitaan. Dahil sa ginagawa mo ito sa labas ng iyong trabaho, mas gugustuhin mong gawin iyong mga bagay na gusto mong gawin, pero pwede ka paring kumita!
Kung mahilig kang magsulat, napakaraming plataporma ang nagbibigay ng dagdag trabaho. Ilan sa mga propesyunal, mga magulang, maging mga estudyante ay ginagamit ang pagsulat para sa kumita ng pera sa madaling paraan. Madali lang ito para sa kanila dahil mabilis ang daloy ng kanilang mga ideya at naisusulat nila ito sa kaaya-ayang paraan.
Maliban sa pagsusulat, maaari karing kumita sa pamamagitan ng pag-eedit ng bidyu, pagdidisenyo ng website, pagkukuha ng litrato, at maraming pang ibang trabaho na para sa mga naghahanap ng trabahong freelance.
Kung gusto mong madiskubre ang posibilidad kung paano yumaman ng mabilis, bakit hindi mo gamitin ang sobra mong oras at magkaroon ng pangalawang mapagkakakitaan mula sa iyong tahanan?
gusto ko po ma try mag trabaho online habang nag aaral po ako
sir im curser/21/ cavite tanung lang po kung active pa din po ba ung mga casino na ibinigay nyo ngayung october 2018 ? saka po pag magdedeposit .. kailangan po ba ay ung visa card ? tulong nman sir
too ba talaga to?
Hi Ma'am/Sir. Paano po ako makakakita ng Pera kapag ako ay isang studyante pa lamang? Maari niyo po ba akong tulongan dahil ako at ang aking pamilya ay isang mahirap lamang. Sana po matulongan niyo ako, SALAMAT PO!
kasi kay langa kong pera
Gandang araw sayo kabayan ako nga pala si Oliver taga Quezon province. Nakita ko ang site mo at naging interesado akong subukan ito dahil tulad mo pangarap ko din yumaman (umasenso) sana magabayan mo ako kung paano ko ito magagawa. Hindi sapat ang aking pamumuhunan kayat gusto kong matutunan ito agad.
hi sir gustu ko po sana kumita ng pera lalu na wala ako trabao at lagi naman ako online sa fb kaya tulungan nyu po sana ako
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
hello po sir, kailangan ko nang tulong nyo, gusto ko rin yumaman tulad nyo, pangarap ko talaga na maging mayaman ako, gusto kong makabuo nang sarili kong bahay, gusto ko rin matulungan ang pamilya ko, alam nyo, mahirap lang po kami. sana matulungan nyo ako, salamat po.
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
diko po alam mag start sir. ang daming games po eh. ano po ba yun pwedeng laruin na walang talo para maka uwi po ako ng pinas para sa 1 year death anniversary ng mommy ko po at para narin po ma alagaan ko ang dad ko na matanda narin po. sana maktulong ng malaki po ito sa akin. naghirap po ako sa HYIP business na ubos po ang pera kp sa kaka try.