Sa dami ng mga maaaring gawin kapag nasa bahay ka, maaaring masakripisyo ang iyong trabaho. Ang gadyet, Internet, iba’t ibang uri ng aliwan, pati ang iba mo pang responsibilidad sa iyong tahanan ay maaaring gumambala sa iyong nadiskubreng pamamaraan kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang. Narito ang ilang mga hakbang para mapabuti ang iyong pokus habang nagtatrabaho.
Sundin ang Ritmo ng iyong Katawan
Kung nais mong magamit ng husto ang oras mo habang ikaw ay nasa iyong tahanan, alam mo dapat ang ritmo ng iyong katawan at kaya mo itong sundin.
Ang ating katawan at isipan ay dapat nating pinapansin. Ito ang isang sikreto kung paano magkapera mula sa iyong tahanan. Pansinin kung anong mga oras sa buong araw ikaw ay madaling mag-isip, at masipag gumawa ng mga dapat mong tapusin na may kaugnayan sa iyong trabaho. Mayroon ding mga oras na parang pagod na pagod ka. Kung aktibo ang kaliwang bahagi ng ating utak, aktibo rin ang ating katawan, ngunit kung ang kanang bahagi naman ng ating utak ang mas aktibo, mas makakaramdam tayo ng pagod at pagka-antok.
Sa mga oras na mas gumagana ang kaliwang bahagi ng ating utak, gamitin natin ito para gawin ang mahihirap na trabahong nangangailangan ng matinding pag-iisip. Gawin naman ang ibang mas madadaling gawain o gawaing walang kaugnayan sa trabaho tulad ng pagpapahinga, pagmeryenda, at iba pa sa oras na aktibo ang kanang utak natin.
Tandaang ang utak natin ay nangangailangan din ng tamang pag-aalaga. Hindi mo magagamit ang mga diskarte mo kung paano kumita ng pera sa madaling paraan kung pagod ang iyong isipan.
Humiling na Makapag-isa
Kahit alam ng mga kasama mo na ikaw ay kumikita kahit nasa bahay lang, ipaalala pa rin sa kanila na kailangan mo ng oras at lugar na makapag-iisa ka at para makapagpokus ng maayos sa iyong gawain. Isa ito sa mga solusyon kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang.
Maaari ka ring maglagay ng “Huwag istorbohin” na palatandaan sa labas ng iyong pintuan o panatilihing nakasarado ang pinto ng lugar kung saan ka nagtatrabaho.
Ang mabisang estratehiya kung paano yumaman ng mabilis ay ang pagkakaroon ng mahusay na komunikasyon pagdating sa mga pangangailangan mo tulad nito.
Itakda ang Oras ng Iyong Pagtatrabaho
Kung ikaw ay nasa opisina, madaling makita kung kailan dumating o umalis ang iyong mga kasama. Madaling sundan ang oras ng ibang tao bilang disenyo rin ng sarili mong oras. Kung ikaw ay nasa bahay, mas mahirap magtakda ng tiyak na oras para sa iyong trabaho.
Dahil ikaw ay nasa tahanan, ikaw ang mas nakakaalam kung anong mga oras ka pinakaproduktibo. Magtakda ka ng sarili mong opisyal na mga oras at sanayin mo ang iyong sarili na sundan ang mga ito. Ang ibang mga oras na labas sa nakatakdang oras para ikaw ay magtrabaho ay ilaan mo naman sa ibang mga bagay na gusto mong gawin.
Ang kakayahang umangkop ay isang mahalagang sangkap kung paano kumita ng pera sa madaling paraan. Madali dahil nasa kaginhawaan ka ng iyong tahanan at nasa iyong mga kamay ang iyong oras.
Pumili ng mga Angkop na Gamit
Isang hamon sa mga kumikita kahit nasa bahay lang ay ang pagtutuon ng isipan na kahit nasa bahay ka lang, ikaw ay dapat magtrabaho at kumita. Kaya mahalagang pumili ng mga angkop na kasangkapan na makakatulong sa iyong pagtatrabaho.
Halimbawa, kung hirap kang magpokus kung maingay, gumamit ng mga earphone na awtomatikong nagbabawas ng ingay. Kung mahilig ka naman sa musika at kailangan mo ito para mas makapag-isip ng mabuti, pumili ng instrumental na musika na makakatulong sa iyong paggawa.
Mas mabuti rin kung magtatrabaho ka ng hindi nakapantulog. May epekto rin sa iyong konsentrasyon kung ikaw ay hindi nakasuot ng akma sa iyong trabaho.
Napakarami pang ibang mga software o apps na makukuha mo online na makakatulong para mas mapaunlad ang iyong pokus sa trabaho. Isa itong paraan kung paano kumita ng pera sa Internet – ang gamitin ang mga libreng kasangkapan na makukuha online para mas mapagaan at mapagbuti ang iyong mga ginagawa.
Ang iyong pokus o konsentrasyon sa trabaho kahit nasa bahay lang ay napakahalaga para ikaw ay magpatuloy na kumita o mas lumago pa ang iyong pinagkakakitaan.
gusto ko po ma try mag trabaho online habang nag aaral po ako
sir im curser/21/ cavite tanung lang po kung active pa din po ba ung mga casino na ibinigay nyo ngayung october 2018 ? saka po pag magdedeposit .. kailangan po ba ay ung visa card ? tulong nman sir
too ba talaga to?
Hi Ma'am/Sir. Paano po ako makakakita ng Pera kapag ako ay isang studyante pa lamang? Maari niyo po ba akong tulongan dahil ako at ang aking pamilya ay isang mahirap lamang. Sana po matulongan niyo ako, SALAMAT PO!
kasi kay langa kong pera
Gandang araw sayo kabayan ako nga pala si Oliver taga Quezon province. Nakita ko ang site mo at naging interesado akong subukan ito dahil tulad mo pangarap ko din yumaman (umasenso) sana magabayan mo ako kung paano ko ito magagawa. Hindi sapat ang aking pamumuhunan kayat gusto kong matutunan ito agad.
hi sir gustu ko po sana kumita ng pera lalu na wala ako trabao at lagi naman ako online sa fb kaya tulungan nyu po sana ako
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
hello po sir, kailangan ko nang tulong nyo, gusto ko rin yumaman tulad nyo, pangarap ko talaga na maging mayaman ako, gusto kong makabuo nang sarili kong bahay, gusto ko rin matulungan ang pamilya ko, alam nyo, mahirap lang po kami. sana matulungan nyo ako, salamat po.
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
diko po alam mag start sir. ang daming games po eh. ano po ba yun pwedeng laruin na walang talo para maka uwi po ako ng pinas para sa 1 year death anniversary ng mommy ko po at para narin po ma alagaan ko ang dad ko na matanda narin po. sana maktulong ng malaki po ito sa akin. naghirap po ako sa HYIP business na ubos po ang pera kp sa kaka try.