Ang pagpapanatili ng katapatan ng iyong kliyente ay humihingi ng ilang mga bagay mula sa iyo. Isang mabisang estratehiya kung paano kumita ng pera sa madaling paraan ay ang pagpapanatili ng magandang relasyon sa iyong mga kliyente para sila ay manatili. Narito ang ilang mahahalagang alituntunin na dapat tandaan:
Magbigay Ng Mahusay Na Serbisyo
Madalas mo na siguro itong naririnig pero marapat lang na paalalahanan ka muli. Ang pagbibigay mo ng mahusay na serbisyo ay magdudulot ng panghabambuhay na magandang reputasyon at maiaangat ka pagdating sa kompetisyon. Tandaang parami ng parami ang nagbibigay ng kanilang serbisyo at tulad mo ay naghahanap din ng iba’t ibang paraan kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang.
Para mapanatiling mahusay ang iyong serbisyo, siguraduhing pinakikinggan mo ang nais ipagawa ng iyong kliyente at tinatapos mo ang trabaho sa tamang panahon.
Maging Malinaw Pagdating Sa Komunikasyon
Kung magkakaroon man ng aberya sa inaasahang trabaho, kailangan mong ipaalam agad sa iyong kliyente. Sa halip na itago ang problema, mas mabuting maging matapat pagdating sa ganitong mga sitwasyon at ipaalam sa kanila kung anong solusyon ang maaari mong ibigay sa problema.
Lampasan ang Kanilang Inaasahan
Isang mabisang estratehiya kung paano yumaman ng mabilis ang ilang mga matatagumpay na mga freelancers ay ang pagkakaroon ng ganitong sistema ng trabaho. Kung ano ang kanilang ipinangako sa kliyente, ganoon ang kanilang gagawin at madalas ay lampas pa kaysa inaasahan. Laging gawin ang iyong sinabi at huwag hayaang mapako ang iyong pangako.
Bumagay sa Pangyayari
Kahit na mayroon ka ng sistemang nakasanayan sa iyong pagtatrabaho, mahalagang maintindihan mo ang kaibahan ng bawat kliyente. Hindi lahat ng kliyente ay pareho ang nais. Pati ang kanilang mga sitwasyon ay iba-iba kaya marapat lang na ikaw bilang kanilang manggagawa ay marunong na makiayon sa kanila sa lahat ng pagkakataon.
Sikaping Maging Mapagkakatiwalaan Sa Lahat Ng Panahon
Ang pagkakaroon ng ugaling mapagkakatiwalaan ay hindi lang mahalaga sa trabaho kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Isang diskarte kung paano kumita ng pera sa madaling paraan ay ang paglilinang ng ugaling ito. Sikaping maging matapat sa lahat ng pagkakataon. Huwag magkaroon ng pagbago-bagung pakikitungo sa iyong kliyente. Mas hahaba ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong kliyente kung nakikita niya na ikaw ay laging maasahan.
Itama Ang Mga Pagkakamali At Matuto Mula Sa Mga Ito
Hindi maiiwasang maaari kang magkamali sa iyong trabaho. Kung gusto mong mapanatili ang isang kliyente, maging maagap sa pag-aayos ng mga bagay na hindi nila nagustuhan. Tanggapin ng maluwang sa kalooban anumang negatibong pamumuna mula sa kanila, ayusin ang problema, at humingi ng tawad.
Matuto sa mga naranasang pagkakamali at humingi ng karagdarang instruksiyon kung hindi malinaw kung ano ang gusto ng iyong kliyente. Maaari kang mawalan ng kliyente kung paulit-ulit ang pagkakamaling nagagawa mo kaya matuto mula sa iyong pagkakamali.
Maging Eksperto Sa Iyong Gawain
Marami ang naghahangad kumita pero kung ikaw ay naghahanap ng epektibong paraan kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang, kailangan mong maging eksperto sa gawain. Maaaring marami kang pwedeng ibigay na serbisyo sa iyong kliyente pero kung may isang aspeto na paghuhusayan mo pa sa iyong sarili, ang iyong pangalan ang unang maiisip ng mga kliyente pagdating ng araw.
Ang karagdagang panahon, pera, at pagsisikap para maging dalubhasa sa isang kahusayan ay may malaking balik na tulong pinansyal sa iyo at makakatulong din sa iyong mga kliyente. Panatilihin ding maging updated sa kung anuman ang bago sa larangan ng iyong trabaho para alam ng iyong kliyente na pinaghuhusayan mo ang iyong sarili at hindi ka lamang kuntento sa uri ng serbisyong maibibigay mo sa ngayon.
Maging Propesyonal
Kung nadiskubre mo na ang isang paraan kung paano kumita ng pera sa Internet mula sa iyong tahanan, hindi ibig sabihin nito ay hindi mo kailangang maging propesyonal. Ang pagiging propesyonal ang magdadala sa iyo sa tagumpay at magpapanatili sa iyong mga kliyente.
Makakatulong din sa iyo ang ugaling ito pagdating sa pakikitungo mo sa ilang mga kliyente na medyo mahirap pakisamahan. Kung kailangan mong tanggihan ang isang proyekto, maging propesyonal parin at mas pahahalagahan ka ng iyong kliyente.
Ikaw Dapat Ang Solusyon At Hindi Problema
Kaya mayroon kang kliyente ay para maging tulong sa kanila. Mayroon silang hinahanap na serbisyo o produkto na ikaw ang makapagbibigay. Hindi ka lang dapat nagtatrabaho para kumita, kundi ginagawa mo ito para magbigay serbisyo sa kapwa mo. Maging solusyon sa pangangailan ng iyong kliyente at siguraduhing gawin din ang iba pang mga nabanggit na mungkahi.
gusto ko po ma try mag trabaho online habang nag aaral po ako
sir im curser/21/ cavite tanung lang po kung active pa din po ba ung mga casino na ibinigay nyo ngayung october 2018 ? saka po pag magdedeposit .. kailangan po ba ay ung visa card ? tulong nman sir
too ba talaga to?
Hi Ma'am/Sir. Paano po ako makakakita ng Pera kapag ako ay isang studyante pa lamang? Maari niyo po ba akong tulongan dahil ako at ang aking pamilya ay isang mahirap lamang. Sana po matulongan niyo ako, SALAMAT PO!
kasi kay langa kong pera
Gandang araw sayo kabayan ako nga pala si Oliver taga Quezon province. Nakita ko ang site mo at naging interesado akong subukan ito dahil tulad mo pangarap ko din yumaman (umasenso) sana magabayan mo ako kung paano ko ito magagawa. Hindi sapat ang aking pamumuhunan kayat gusto kong matutunan ito agad.
hi sir gustu ko po sana kumita ng pera lalu na wala ako trabao at lagi naman ako online sa fb kaya tulungan nyu po sana ako
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
hello po sir, kailangan ko nang tulong nyo, gusto ko rin yumaman tulad nyo, pangarap ko talaga na maging mayaman ako, gusto kong makabuo nang sarili kong bahay, gusto ko rin matulungan ang pamilya ko, alam nyo, mahirap lang po kami. sana matulungan nyo ako, salamat po.
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
diko po alam mag start sir. ang daming games po eh. ano po ba yun pwedeng laruin na walang talo para maka uwi po ako ng pinas para sa 1 year death anniversary ng mommy ko po at para narin po ma alagaan ko ang dad ko na matanda narin po. sana maktulong ng malaki po ito sa akin. naghirap po ako sa HYIP business na ubos po ang pera kp sa kaka try.