Gusto mo bang magbakasyon ng buong taon? Kahit walang opisyal na pahinga, pwede ka pa ring makabyahe sa mga lugar na pinapangarap mong pasyalan. Paano? Kailangan mong madiskubre kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang, at maaari ka nang magbakasyon anumang oras mo gustuhin.
Ang kagandahan sa pagkakaroon ng mapagkakakitaan kahit nasa bahay lang ay hindi mo talaga kailangang gawin ang iyong trabaho sa loob ng bahay lang. Pwede mo itong gawin kahit saan – sa isang kainan, sa isang bar, o kahit nasa ibang panig ka ng bansa o kahit saan man sa mundo. Nagbabakasyon kana, kumikita ka pa!
Ito ang isang mabuting dulot ng pagtatrabaho gamit lamang ang iyong kumpyuter at ang internet. Kung may alam kang paraan kung paano kumita ng pera sa Internet, maaari mo itong gawin kahit saan!
Ano nga ba ang mga dapat tandaan para mas maging makabuluhan ang iyong bakasyon habang ikaw ay kumikita?
Manatili sa Iyong Iskedyul
Maaaring maging dahilan ang iyong pagbabakasyon sa isang magandang pook pasyalan para ikaw ay tamarin. Kung gusto mong mapanatili ang iyong diskarte kung paano kumita ng pera sa madaling paraan kahit nagbabakasyon ka habang nagtatrabaho, kailangan mo parin ng disiplina sa iyong sarili lalung-lalo na sa iyong oras.
Kung gusto mo paring kumita, panatilihin mo ang regular na iskedyul na iyong sinusundan. Kung ang oras ng pagtatrabaho mo sa bahay ay mula alas-otso ng umaga, sikaping gawin ang mga dapat mong tapusing trabaho sa oras na iyon. Ang natitirang mga oras ay maaari mo ng gamitin para magpahinga sa dalampasigan, umakyat sa bundok, maligo sa ilog, mamasyal sa lugar-bakasyunan, o kahit ano pa mang nakatakdang puntahan o gawin sa iyong bakasyon.
Kung nakatakda kang maghabol ng maraming gawain, mas mainam na piliin lang ang mga dapat unahing trabaho habang ikaw ay nasa bakasyon. Maaari rin namang baguhin mo ang iyong oras ng pagtrabaho depende sa lugar at mga aktibidad mo habang nagbabakasyon ka.
Hatiin ang Trabaho sa Maliliit na Bahagi
Gusto mo bang maranasan kung paano yumaman ng mabilis habang tinatamasa ang kaginhawaan ng iyong bakasyon?
Posible itong gawin! Hind ka man makapaglaan ng parehong oras katulad sa kung ikaw ay nasa bahay lang, maaari ka pa ring maglaan ng ilang sandali para sa iyong trabaho. Ang sikreto ay ang paglalaan ng iilang minuto o sandali para gawin ang mas mahahalagang gawin muna.
Kung may tao man na dapat mong kausapin o puntahan, o kung may pamamasyal na gusto mong samahan, maaari mong unahin ang mga ito at pagkatapos ay harapin ang iyong mga trabaho. Siguraduhin lang na araw-araw ay may natatapos kang bahagi ng iyong proyekto. Ang kaunting panahon na ilalaan mo ay magiging kapaki-pakinabang sa bandang huli.
Gumamit ng mga Apps
Karamihan ng mga taong bihasa kung paano magkapera mula sa iyong tahanan ay gumagamit ng mga apps para mapadali ang kanilang trabaho at para rin sa kanilang komunikasyon sa kanilang mga katrabaho at sa kanilang mga kliyente.
Maaari mong i-download ang mga apps na ito sa iyong cellphone para madali mo itong magamit habang ikaw ay nasa bakasyon. Ang mga apps na ito ay maaaring makatulong para mas maging maayos ang komunikasyon, kalendaryo, at iba pang mga bahagi ng iyong trabaho.
Iba Pang Mga Dapat Isaalang-Alang
- Maliban sa mga nabanggit, kailangan mo rin ng mga sumusunod para sa iyong pagtatrabaho habang nagbabakasyon:
- Komportableng lugar kung saan ka pwedeng magtrabaho. Dahil wala ka sa bahay, at wala ang iyong nakasanayang opisina, maghanap ng komportableng mesa o kahit saang lugar kung saan ka makakapag-isip at makagawa ng maayos.
- Smartphone na may Internet. Mahalaga ito sa mga lugar na walang Wi-Fi. Importante rin na mayroong internasyunal na orasan ang iyong phone para alam mo ang oras kahit saang bansa ka naroon.
- Isang “planner”. Dito mo isusulat ang mga direksyon at iba pang mahahalagang impormasyon kung sakaling magkaproblema ang iyong cellphone o ang iyong kompyuter.
- Lalagyan ng mga kable o charger. Hindi mo dapat kaligtaan ang mga kagamitang ito kung gusto mong patuloy na makapagtrabaho at kumikita habang nagbabakasyon.
Hindi kinakailangang isakripisyo ang iyong mapagkakakitaan kung gusto mong masiyahan sa iyong bakasyon. Maaari ka pa ring kumita gamit ang mga nabanggit na paraan. At tandaan, dahil ikaw ay kumikita kahit nasa bahay lang, anumang araw ay maaaring bakasyon mo!
gusto ko po ma try mag trabaho online habang nag aaral po ako
sir im curser/21/ cavite tanung lang po kung active pa din po ba ung mga casino na ibinigay nyo ngayung october 2018 ? saka po pag magdedeposit .. kailangan po ba ay ung visa card ? tulong nman sir
too ba talaga to?
Hi Ma'am/Sir. Paano po ako makakakita ng Pera kapag ako ay isang studyante pa lamang? Maari niyo po ba akong tulongan dahil ako at ang aking pamilya ay isang mahirap lamang. Sana po matulongan niyo ako, SALAMAT PO!
kasi kay langa kong pera
Gandang araw sayo kabayan ako nga pala si Oliver taga Quezon province. Nakita ko ang site mo at naging interesado akong subukan ito dahil tulad mo pangarap ko din yumaman (umasenso) sana magabayan mo ako kung paano ko ito magagawa. Hindi sapat ang aking pamumuhunan kayat gusto kong matutunan ito agad.
hi sir gustu ko po sana kumita ng pera lalu na wala ako trabao at lagi naman ako online sa fb kaya tulungan nyu po sana ako
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
hello po sir, kailangan ko nang tulong nyo, gusto ko rin yumaman tulad nyo, pangarap ko talaga na maging mayaman ako, gusto kong makabuo nang sarili kong bahay, gusto ko rin matulungan ang pamilya ko, alam nyo, mahirap lang po kami. sana matulungan nyo ako, salamat po.
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
diko po alam mag start sir. ang daming games po eh. ano po ba yun pwedeng laruin na walang talo para maka uwi po ako ng pinas para sa 1 year death anniversary ng mommy ko po at para narin po ma alagaan ko ang dad ko na matanda narin po. sana maktulong ng malaki po ito sa akin. naghirap po ako sa HYIP business na ubos po ang pera kp sa kaka try.