Maraming mga kumpanya at kahit maliliit na negosyo ang nakikinabang sa mga taong nadiskubre na kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang. Hindi mapagkakailang maraming benepisyo ang makukuha ng mga negosyong mas pinipiling ilaan ang kanilang mga trabaho sa mga empleyadong nagtatrabaho sa kani-kanilang mga tahanan.
Narito ang mga pinakanangungunang mga negosyo na maaari mong ikonsidera kung ikaw ay naghahanap ng mga susunod mong mga kliyente:
Mga Negosyong Makikinabang sa Mga Nagtatrabaho sa Bahay
Mga Nag-aahente at Nangangasiwa ng Lupa at Kabahayan
Napakaraming trabaho na dapat tapusin sa mabilisang panahon ang kinakaharap ng bawat nag-aahente at nangangasiwa ng mga lupain at pabahay. Ang pag-aahente ay isa sa mga kilalang paraan kung paano yumaman ng mabilis. Ngunit kaakibat ng negosyong ito ay ang maraming trabaho na maaaring ibigay sa mga empleyadong nasa bahay lang.
Ilan sa mga trabahong maaaring gawin ay ang paghahanap ng mga kustomer, pag-aasikaso ng mga tipanan, paggawa at paglagay ng mga patalastas, pag-aasikaso ng mga email, pangkalahatang pamamahala ng negosyo, at ang pagpapaunlad ng iyong reputasyon sa social media.
Mga Kumpanyang May Kinalaman sa Pinansyal na mga Institusyon
Isang paraan kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang ay ang pagiging tulong virtual ng mga may posisyon sa mga pinansyal na institusyon. Ilan sa mga mahihirap na trabaho na maaaring ilaan sa iyo ay ang pag-aayos ng mga tala, pangangasiwa ng kalendaryo at mga tala sa bangko. Ang tulong na iyong ibibigay ay talagang kailangan lalo na kung ikaw ay may sapat na kakayanan.
Mga Kumpanya ng IT (Impormasyon Teknolohiya)
Ang industriyang ito ang pinakaunang gumamit ng mga empleyadong bihasa sa mga paraan kung paano kumita ng pera sa Internet. Mula sa simpleng suportang administratibo, teknikal at pang-kustomer, hanggang sa paggawa ng mga website, ang mga kumpanyang teknikal ay maaring makinabang sa serbisyong hatid mo.
Mga Kumpanyang May Kinalaman sa Batas o Hustisya
Ang mga ganitong uri ng mga organisasyon ay kilala sa pagkakaroon ng maraming mga papeles na dapat asikasuhin. Maliban dito, marami pang ibang mga trabaho na dapat nilang tapusin gaya ng mga pagsusuri, pagtranscribe, pangangasiwa ng mga email at kalendaryo, paglalagay at pag-ayos ng mga tala, at pakikipagkomunikasyon sa mga kliyente. Bilang empleyado na nagbibigay serbisyo mula sa iyong tahanan, makakatulong ka para mabawasan ang kanilang mga responsibilidad.
Ang mga negosyo o organisasyong nabanggit ay madalas kinukuha ang serbisyo ng mga empleyadong kagaya mo na kumikita kahit nasa bahay lang. Bakit? Dahil maraming benepisyo ang nakukuha nila rito gaya ng mga sumusunod:
Mas tipid sa pera
Dahil mas maraming ibang mas mahahalagang bagay ang dapat tutukan ng mga nagtatrabaho sa ganitong mga kumpanya, mas makakatipid sila ng kanilang kikitain kung ilalaan nila ang mga maliliit na paulit-ulit na trabaho sa mga kagaya mo. Hindi lang sila basta makakatipid, magiging mabilis din ang pag-usad ng negosyo dahil mas maraming salapi ang mailalaan sa ibang gastusin.
Mas tipid sa oras
Ang oras na ginagamit ng mga nagtatrabaho sa mga negosyong nabanggit ay hindi nadaragdagan pero maaaring maubos ang oras nila sa pag-aasikaso ng ibang mga trabaho tulad ng pagsagot sa mga email at iba pa.
Ayon sa isang pag-aaral sa negosyo na ginawa ng Harvard, ang pagtatalaga ng mga maliliit na trabaho sa ibang tao ay maaaring makatipid ng hanggang 1/5 ng iyong produktibong araw. Kung pagsasamahin, makakatipid sila ng isang buong araw kada linggo.
Mas madaling maghanap ng mga empleyadong handang magtrabaho sa bahay lang
Ang proseso ng paghahanap at pagsasanay ng isang empleyado na kailangang pumasok sa isang opisina ay nakakapagod. Magsasayang sila ng oras at pera at maaaring makaapekto sa kultura ng kanilang opisina ang panibagong empleyado. Kung ikaw bilang isang nagtatrabaho sa iyong tahanan ang kanilang kukunin, hindi na nila poproblemahin kung saan ka pupwesto, anong mga gamit ang kailangan mo, atbp.
Mas produktibo ang resulta
Mas madaling mapagod ang mga kliyenteng hindi kinukuha ang serbisyo ng mga nasa bahay lang dahil napakaraming responsibilidad ang dapat harapin. Sa kasalukuyang sistema kung saan halos lahat ay ginagawa online, ang tulong na iyong mabibigay sa mga negosyong ito, simple man ang iyong mga magiging trabaho, ay malaking pakinabang sa kanila.
Ganito kahalaga ang serbisyong maibibigay mo sa iyong mga kliyente. Hindi man ito daan kung paano kumita ng pera sa madaling paraan, ang iyong serbisyo naman ay magdudulot ng maganda at posibleng mahabang relasyon sa mga kliyente na makikinabang sa iyong pagtatrabaho kahit nasa bahay ka lang.
gusto ko po ma try mag trabaho online habang nag aaral po ako
sir im curser/21/ cavite tanung lang po kung active pa din po ba ung mga casino na ibinigay nyo ngayung october 2018 ? saka po pag magdedeposit .. kailangan po ba ay ung visa card ? tulong nman sir
too ba talaga to?
Hi Ma'am/Sir. Paano po ako makakakita ng Pera kapag ako ay isang studyante pa lamang? Maari niyo po ba akong tulongan dahil ako at ang aking pamilya ay isang mahirap lamang. Sana po matulongan niyo ako, SALAMAT PO!
kasi kay langa kong pera
Gandang araw sayo kabayan ako nga pala si Oliver taga Quezon province. Nakita ko ang site mo at naging interesado akong subukan ito dahil tulad mo pangarap ko din yumaman (umasenso) sana magabayan mo ako kung paano ko ito magagawa. Hindi sapat ang aking pamumuhunan kayat gusto kong matutunan ito agad.
hi sir gustu ko po sana kumita ng pera lalu na wala ako trabao at lagi naman ako online sa fb kaya tulungan nyu po sana ako
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
hello po sir, kailangan ko nang tulong nyo, gusto ko rin yumaman tulad nyo, pangarap ko talaga na maging mayaman ako, gusto kong makabuo nang sarili kong bahay, gusto ko rin matulungan ang pamilya ko, alam nyo, mahirap lang po kami. sana matulungan nyo ako, salamat po.
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
diko po alam mag start sir. ang daming games po eh. ano po ba yun pwedeng laruin na walang talo para maka uwi po ako ng pinas para sa 1 year death anniversary ng mommy ko po at para narin po ma alagaan ko ang dad ko na matanda narin po. sana maktulong ng malaki po ito sa akin. naghirap po ako sa HYIP business na ubos po ang pera kp sa kaka try.