Hindi makakaila na parami na ng parami ang bilang ng mga Pilipino ang nakakadiskubre ng konsepto sa paano kumita ng pera kahit nasa bahay. Kahit na ang mga propesyonal na masasabing stable na sa kanilang kinalalagyan ay nagsisimula na ring mag-isip at lumipat sa isang karera na umuusbong sa kaginhawaan ng tahanan.
Ang mga propesyon na kadalasang makikita sa apat na sulok ng opisina na ngayon ay nagagawa na rin sa bahay. Paano nga ba yumaman ng mabilis? Dapat bang ikaw ay nakatapos ng pag-aaral o kaya ay may diplomang pinanghahawakan, o kaya naman ay may negosyong pinatatakbo na minana sa mga negosyanteng magulang? Sa makabagong panahon, ang oportunidad sa kung paano magkapera mula sa iyong tahanan ay patuloy na dumarami. Tunay namang ang kompyuter ang siyang itinuturing na pinakamakapangyarihang imbensyon at siyang pangunahing instrument sa pandaigdigang modernisasyon.
Ating bigyan ng pagsusuri ang tatlo sa mga nangungunang propesyon sa Pilipinas at maaaring maging ugnyan nila sa samu’t-saring paraan kung paano kumita ng pera kahit nasa bahay lang.
1) Trabaho sa bahay para sa isang lisensyadong guro
Ang pagiging guro ay masasabi nating ang pinaka-nakapagbibigay kasiyahan na propesyon o most fulfilling na trabaho. Dahil sa ang guro ang siyang tumatayong pangalawang magulang ng isang bata sa labas ng tahanan, hindi matatawaran ang naiaambag niya sa paghubog ng karakter ng isang tao. Kung ihahambing sa ibang bansa, ang Pilipinas ay isa sa mga may pinakamababang sahod para sa mga guro. Ito ang itinuturong dahilan kung bakit marami na sa kanila ang nangingibang bansa o mas pinipiling kumita na lamang ng pera kahit nasa bahay lang.
Ang suweldo ng lisensyadong guro ay hindi halos aabot sa 30,000 pesos sa isang buwan. Sadyang napakaliit na halaga kung ikokonsidera ang oras at hirap sa maghapong pagtuturo. Suwerte ng makapag-uwi ang isang guro ng 20,000 pesos sa kanyang pamilya dahil sa mga kaltas gaya ng sa buwis, loans at iba pang ibinabawas sa kakarampot na kita.
Napaka-in demand ng mga Pilipinong guro sa trabahong online dulot ng kanilang reputasyon sa pagiging matatalino, pasensyoso at sympre ang pagiging matatas sa wikang Ingles. Maraming mga banyaga ang naghahangad na matuto ng Ingles kung kaya’t ang online English tutoring sa internet ay naglipana. Kung may magaganap na survey, lalabas rito na ang mga Pilipinong guro ang mas pinipili ng karamihang banyaga kaysa sa ibang lahi. Mas pinapaboran pa nga sila kumpara sa mga guro na Ingles ang katutubong salita.
Ang pagtuturo ng Ingles sa online ay may rate na $5-$10 kada oras o higit pa depende sa kwalipikasyon. Kung gagawin ito ng full time o 8 oras kada araw, puwedeng umabot ang buwanang kita ng hanggang $1,600 o tumataginting na 80,000 pesos kada buwan.
Sadyang malayo ang diperensya pagdating sa kita. Kung ang guro ay may sariling pamilyang umaasa sa kanya, tiyak na hindi niya palalagpasin ang pagkakataong kumita ng pera sa madaling paraan na ito.
2) Paano yumaman ng mabilis para sa mahusay na software developer
Hindi maitatanggi na lahat ng bagay sa mundo ngayon ay makikita at malalaman na sa internet. Ilang beses na ba nating narinig ang mga salitang “I-google mo” sa tuwing nais natin makakuha ng impormasyon o kaalaman tungkol sa isang bagay, pangyayari o kahit sa isang tao.
Ang mga software programmer, developer, engineer ay tunay namang tumatabo dahil ang mga kasanayang taglay nila ang siyang kailangan ng mundo. Kung ikaw ay magtatanong ng “paano kumita ng pera sa internet?”, sila ang makasasagot nito dahil ang suweldo ng ganitong mga propesyon online ay umaabot sa hanggang 300,000- 500,000 pesos kada buwan lamang.
Maraming empleyo ang naghihintay online sa isang propesyon na may kinalaman sa software development. Sa katunayan nga, ang mga mamamayan ng Singapore na may ganitong mga propesyon ang siyang nag-aangat ng ekonomiya ng nasabing bansa. Sa maraming online platforms, ang mga Singaporean, dala na rin ng kanilang kahusayan ay sinesuwelduhan ng $50-$80 bawat oras o kung isasalin sa piso ay halos 4,000 pesos para sa isang oras lang na trabaho.
3) Manedyer ng kumpanya laban sa pagiging manedyer online
Maraming pinapalad na marating ang posisyon ng pagiging manedyer sa isang progresibong kumpanya, ngunit bago maabot ang ganitong katungkulan kailangan ng tiyaga, sipag at talino. Mahirap ang mangasiwa lalo na’t iba’t-ibang ugali ang iyong makakasalamuha at pakikisamahan. Oo, maaaring mataas na ang natatanggap na sahod, pero puno ng stress at pagod ang bawat araw na dapat na harapin ng isang manedyer.
Ang pagiging project manager online ay isang napakabisang pamamaraan kung paano magkapera mula sa iyong tahanan. Madalas pa ngang mas mataas ang sahod kumpara sa mga manedyer ng multinational companies sa atin dahil dolyar ang ibinabayad ng mga banyagang kumpanya. Bukod pa rito, hawak mo ang oras mo. Wala ring nakaka-stress na sitwasyon at kakaunti ang magiging alalahanin sa kadahilanang wala kang pisikal na kontak sa mga taong hinahawakan mo.
Kung ating susuriin, mas maraming kapakinabangan ang pagtatrabaho sa bahay kaysa sa ibang mga propesyon. Hinihikayat ng artikulong ito ang mga mambabasa na subukan kung papaano yumaman ng mabilis sa kaginhawaan ng sariling tahanan.
gusto ko po ma try mag trabaho online habang nag aaral po ako
sir im curser/21/ cavite tanung lang po kung active pa din po ba ung mga casino na ibinigay nyo ngayung october 2018 ? saka po pag magdedeposit .. kailangan po ba ay ung visa card ? tulong nman sir
too ba talaga to?
Hi Ma'am/Sir. Paano po ako makakakita ng Pera kapag ako ay isang studyante pa lamang? Maari niyo po ba akong tulongan dahil ako at ang aking pamilya ay isang mahirap lamang. Sana po matulongan niyo ako, SALAMAT PO!
kasi kay langa kong pera
Gandang araw sayo kabayan ako nga pala si Oliver taga Quezon province. Nakita ko ang site mo at naging interesado akong subukan ito dahil tulad mo pangarap ko din yumaman (umasenso) sana magabayan mo ako kung paano ko ito magagawa. Hindi sapat ang aking pamumuhunan kayat gusto kong matutunan ito agad.
hi sir gustu ko po sana kumita ng pera lalu na wala ako trabao at lagi naman ako online sa fb kaya tulungan nyu po sana ako
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
hello po sir, kailangan ko nang tulong nyo, gusto ko rin yumaman tulad nyo, pangarap ko talaga na maging mayaman ako, gusto kong makabuo nang sarili kong bahay, gusto ko rin matulungan ang pamilya ko, alam nyo, mahirap lang po kami. sana matulungan nyo ako, salamat po.
sir sana po matulungan nyo ako isa lamang akong mahirap na tao. naghahangad po akong magkaroon ng sapat na pera para guminhawa sa buhay gusto ko po maging maayos ang buhay ko at gusto ko din po makatulong sa pamilya ko.gusto ko po maglaro sa sinasabi nyo magbabakasali kaso ang problema po ay wala po ako pang deposito at wala naman po akong account na gnyan.sana po matulungan nyo ako maraming maraming salamat po
diko po alam mag start sir. ang daming games po eh. ano po ba yun pwedeng laruin na walang talo para maka uwi po ako ng pinas para sa 1 year death anniversary ng mommy ko po at para narin po ma alagaan ko ang dad ko na matanda narin po. sana maktulong ng malaki po ito sa akin. naghirap po ako sa HYIP business na ubos po ang pera kp sa kaka try.